Thursday, December 18, 2008

sakto ata e. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa...................................................

Your Love is Based on Infatuation
Your love often borders on obsession. You fall in love from afar.
You can't help but have strong feelings for someone you're attracted to.
And even if that attraction isn't immediately reciprocated - you hold out hope.
For you, feeling love-struck is almost as good as feeling in love.

Why your love can last: You tend to love completely and unconditionally.

Why your love can fail: Your love is often blind... and sometimes stupid.
What Is Your Love Based On?

bwiset....
eka meron pa


Your Birthdate: November 20
You may watch someone from afar before you finally decide to make your move.
It takes a long time for you to develop an attraction to someone.
Generally, you prefer to pick who you love. Anyone who tries to rush you is in for some heartache.

Number of True Loves You'll Have: 4

Number of Times You'll Have Your Heart Broken:  4

You are most compatible with people born on the 2nd, 11th, 20th, and 29th of the month.
What Does Your Birth Date Mean For Your Love Life?

tama naman yung "it takes a long time to develop an attraction to someone."
tapos.. pati na rin pala yung "anyone who tries to rush you...." ayon.. tama din ata yon..
..


eto pang susunod tama din:



Your True Sign Is Scorpio
Fiery
Powerful
Ambitious
Mysterious
Easily Obsessed
Full of Charisma
Universally Attractive
Possessive and Passionate
What Sign Woman Are You, Really?

naks naman.. universally attractive pa...
oo tama, easily obsessed pa..





Saturday, December 13, 2008

Mga Munting Pangarap ni Luti

dahil wala naman talaga akong pangarap na matinditindi na magkakaroon ng direksyon ang buhay ko... ayon.. atlist merong mabababaw na masosolb na ko. naisipan ko lang gumawa ng listahan...
  1. sumali sa marathon (pramis, naiinggit ako pag meron)
  2. umakyat ng bundok (wag naman sa makiling)
  3. magdonate ng dugo
  4. matutong lumangoy (asah. asar. bwiset talaga.)
  5. makapagsulat ng minimum na 3-5 children's stories (san ka pa, wholesome to)
  6. mang-uto ng bata na ampon lang sya at ako ang tunay na mommy nya
  7. magkaron ng doraemon bed set (yung may kumot na kasing kapal din ng kumot ko ngayon)
  8. magkaroon ng life-size na doraemon stuff toy na nakapikit at nakangiting nakanganga na parang nang-gu-goodmorning sa umaga
  9. magkaroon ng jelly bra na sakto ang fit at hndi panget
  10. makapagpa-full body spa
  11. matutong magbake ng cake and other yummy pastries
  12. matutong magprito ng maayos (yung mejo crunchy pero juicy pa rin)
  13. makagawa ng sariling imbentong putahe na bebenta
  14. makagawa ng iba't ibang variations sa recipe ko ng spaghetti sauce (naks)
  15. alalahanin at mailista ang mga pinakawirdong panaginip ko at ikwento sa iba
  16. ipagpatuloy at tapusin ang mga nasimulan ko nang maiikling kwento/nobeleta (sayang e, sana mahanap ko pa kung saang basura ko sya naitapon)
  17. matutong kumanta na parang rakstar (kahet anong genre, wag lang yung mala-orange and lemons dahil nakikinita ko nang magmumukha akong tanga at hindi bagay saken)
  18. makanuod ng bigating concert ng isang sikat na international band na trip ko
  19. hndi ko alam kung itutuloy ko, pero pinangarap ko ding magpapierce sa left eyebrow ko
  20. manghawak ng balbas ng kaibigan
  21. makahawak ng balbas ng isang stranger
  22. magkaroon ng memorabilia na may DNA ni fafa rafa (kahet yung shorts nya lang! kahit hndi na kasama yung brief! wahaha!)
  23. ok, magkaroon na lang ng picture  sa tabi ni fafa rafa (kung hindi keri, kahit sinong katabi nya na malapit sa aking puso na lang :sana magawa nina ate sa january:)
  24. magka-first kiss (naman. im sooo virgin. hahaha.)
  25. makanakaw ng first kiss (bwahahahaha!)
  26. matupad ang dream date: kakain ng group meal A sa kenny roger's ng kaming dalawa lang.... anromantiiiik!!!!!!! ahihihihi... kakakilig ang kasibaan
  27. makapagsulat ng isang erotic poem pag nagka-asawa na ko (if ever)
  28. matutong magdrayb
  29. makahanap ng taong magmamasahe saken ng hindi ako nakikiliti (potek na kiliti yan. ang hirap ng masyadong sensitib)
  30. mapaabot tong listahan na to hanggang 100

yeahboi...

OIST!!! KUNG SINO MAN ANG MAY MAGANDANG LOOB NA TUMUPAD (O TUTUPAD) NG KAHIT ISA DITO, AYLABYU! AYLABYU! AYLABYU!!! MWAH!!!

Thursday, December 11, 2008

a scary true to life story... ay grabe..

kahapon, december 10, 2008. galing lang kami dun sa bahay nina Diane (celebration ng 40 days nya). iniwan namen si Kai dun sa bahay dahil aantayin pa nya ang sundo nya. kami naman nina Rozan, Mere, Mabs (at ako, si luti), respectively, naglakad na kami papunta ng kanto para sumakay ng jeep (si Rozan para mag-antay kay yaya).

ok..
rewind ng saglit dun sa pagpapaalaman namin...

habang nagyayakapan kame/ beso-beso kay Kai..
(in no particular order:)

mabs: meow meow! (babay ata)
kai: meow meow!!!
mere: meooow!!! meow! meow!
rozan: meow meow!
luti: aw aw.. aw-aw

naglakad na ang 4 [in order: rozan, mere, mabs (na may hawak na pangkabuhayan showcase na mga de-lata at hamon) at si luti].

pero, nagpatuloy pa rin ang mga pagpapakyut kahit wala na si kai....

meow! meow! aw! aw! meowmeowmeow!...... and so on...

sa sidewalk naglalakad ang lahat maliban kay mabs.

si rozan at si mabs.. may kung anu-anu atang dinadakdak na nalimutan na ng nagsulat
well, actually, lahat naman ay dumadakdak ata nun..

si mere, sabi kay mabs "tabi ka nga dito baka mahagip ka nyan"

si luti, bumanat,  "oo nga, baka masayang yung mamon(/hamon dapat)!"
 
tawa na sila ng tawa dahil yun pa ang naisip at hindi si mabs.. mali pa, hamon un at hindi mamon.

tas madilim na yung part sa street na nilalakaran nila...
tas biglang may nanggulat na
boses lalake sa tabi nila, (sa gate na nadaanan nila) na tonong nanggugulat, nananakot at nag-aamok.

"HOY! HOY! HOYHOYHOY!!!!!!!" --- at aso pala sya...

tilian kami nun....
wehehehe...
kagulat talaga... at talagang kakatabi lang ni mabs sa sidewalk nun e...
si mere, parang naiwan daw ang balakang nya sa gulat...
wahahah... henewi... tawa kami ng tawa dun after...
at nahirapan akong maka-get over...
ahahaha...

ang ironic nu?


Monday, December 8, 2008

torpe.

With a faint smile, she sat next to me. I knew it. She knew me. It’s been about three years when I started admiring her. We’ve never really been together but I know most of the things about her. And there… she started writing… I looked at her… Why is it a sin looking at her? Oh, I know… It’s when I look at her, I forget everything… forget everything, as if losing something... my wits, that is. She’s so perfect…well for me, she is. She’s often in a cheery disposition, but she has the eyes of a child that can pierce through one’s heart, and a bundle of sorrow within. It’s her past… and I could do nothing about it.

 

Her skin, it seemed soft and vulnerable... I’m afraid I’d have to protect her from the sun, from me, from everything. And yet, I want to touch her… feel her… She’s about to finish the page on her notebook. She bit her lip… How I envy those front teeth of hers. I, too, wanted to touch those lips with mine… and slither my tongue inside… for all eternity. She made a little movement in her seat and managed to tie her hair to a pony tail. She gazed at me, as if confused. My heart pounded vigorously… I got nervous, so I changed my direction. Then she just ignored me and continued doing her work.

 

So beautiful… I remembered how she looked at me. With all those awkwardness and a bit of indifference, I know, she’ll look at me again. Her eyes, I can’t seem to get them off my mind. I continued staring… then I’m stunned. I’m lost in thoughts. I wish for her neck, to taste her and smother her scent up until the last drop… and to feel her shiver while I do so. I want to see her arch her back while I stroke her breast with my bare hands. I crave to hear her moan and release all her woes to me… share it with me… with those passionate eyes looking right through me, wanting me. Now I can feel it. She’s becoming more uncomfortable. She stared at me again… with a hint of anxiety… and lots of confusion… now more intently. I’m about to explode… about to melt with lust. I want her. I need her. Oh how could anyone make me feel like a pubescent boy? My hormones rage dramatically at the mere sight of her. I am loathing my flesh for having such feelings.

 

This is it! I’ve waited so long for this moment. It’s not everyday that I get the chance to be this close to her. I have to make a move… to finally make her mine… I need to say something! “Uhm… Err… W-Well… Will you please be…… Uhm…” Oh no! She’s looking more puzzled… I need to say it fast so it won’t get any more weirder. Then I finally blurted, “Uhm… Will you please stop seducing me??”

 

There was a five-second pause….. Then she roared, “WTF??????!!! Gago! Adik!”







##########################

pagpasensyahan na kung panget...

gawa-gawa ko lang kasi.

wala namang pinaghuhugutan.

hahahaha...

wala akong magawa e..

ehehehe...

ganda ng ending nu?

Sunday, November 30, 2008

dagdagan mo ako ng kinabukasan....

kahapon,
naparealize saken ng dance revo.....

wala....
wala akong kinabukasan....
wala...
wala akong kinakapitang mga pangarap....

bumabagsak lang ang lahat!

TT__TT
wuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu...............

nako, ito ang senyales na kailangan ko nang mangarap ng todo todo,
at talagang kailangan ko na ring mag-invest sa future ko...
baka sakaling, hindi na bumagsak ang endeavors ko...

tsktsktsk....

meron lamang akong mabigat na nakaraan....
pero anong buti ang maidudulot nito????

Friday, November 28, 2008

nagtataka ako, bat ba andaming nagkakacrush sayo???

nakasalubong ko si paolo bano nung wednesday sa robinson's ermita.
tanong sakin ni oliv pagkabalita ko: "bumabalik na ba ang lahat? hahaha."
lul, nang-asar pa e naging crush nya kaya yun dati... ahahahaha...

ayun nga. nagbalik ang ibang memories sa tulong na rin ng mga binalitaan ko.
ay grabe parang ibang iba na ang itsura nya.
papasa na syang clean cut (compared sa dati), tas may glasses na rin sya, tas may goatee pa..
ang awkward ko na naman kasi parang dun ako tumitingin sa balbas nya.. sana hindi napansin.
henaku. muntik ko pa syang hindi pansinin kasi ibang iba na talaga.
pati aura... nakakaloka..
siguro tumanda rin syang tignan.
infairness, na-touch ako. naaalala pa nya ko.
at nakipagdaldalan pa ng konti kahit may mga iba pa pala syang kasama.

magdedentist nga daw sya at tinanong kung anong trabaho ko.
tinanong ko pa kung kelan sya gagrad sabe nya sa 2011.
sabe ko naman: "may anak na ko nun!"
at sana hindi ako magdilang-anghel nun.
napaka-impulsive din talaga ng mga hirit ko.

henewi, siguro, masasabi ko rin na si bano ang isa sa mga highlights ng freshman days ko sa elbi.
kahet bsbio sya at mst ako,
hindi ko maintindihan kung bat sa dinamidami ba naman ng pwede kong maging dormate ng halos kaparehas ko ng schedule e sya pa ang napili ni Lord.
hindi ko ba malaman kung punung-puno ako ng kamalasan o ano...
lagi na lang misadventures ang nangyayari sa tuwing maglalakbay kame.

  • lagi nameng pinagkukwentuhan si jeddah man (at nalaman ko sa kanya na hndi pala naliligo yun madalas kaya bahin ako ng bahin sa twing nasisinghot ko sya sa lab)
  • nagbobowling kami minsan sa s.u. tuwing breaks namin (at madalas syang madulas)
  • nag-inuman kame one time ng tanghaling tapat at hindi na nakapasok ng hapon.
  • madalas kaming magtulakan (ngayon ko lang narealize na para siguro kaming ewan nun pag may ibang nakakakita)
  • pumupunta rin pala kami ng irri para kumaen.
  • at kung saan-saan pa kami pumupunta. parang hindi pwedeng hindi kami magkasama lagi.
henaku.. ewankuba kung bat buntot ng buntot saken yun.
at dapat pa talagang lagi kaming magkasabay umuwi.
at sa mga lakad ko, na sarili ko lang ang plano ko, lagi pa syang sumasama.
sige na lang kahit hayblad na hayblad na ko sa kanya.
ang abnormal kasi nya.
buti kahit papano e natatawa pa ko sa kanya.
marami kasi syang kabobohan:
  • sa chem16 lab, may teargas yung isa naming classmate at inispray nya sa mukha nya. kala daw nya lipgloss (nubanamanyun???!!! mean na kung mean basta tawa ako ng tawa nung makita ko sya nito... bwahahahaha. magang-maga yung mukha nya e.)
  • sa lab din, nakasinghot sya ng mercury sa nabasag na thermometer (tas nag-inom pa ata sya after kaya nagkatrangkaso sya)
  • tas madalas pa syang mukhang tanga
  • anlakaslakas pa ng boses nya, parang laging amplified. hindi pa marunong bumulong.
  • sa weekend, minsan makikita na lang sya sa lobby na nagpapatugtog ng "the calling" at kumakanta ng malakas. nakakairita.
  • minsan, nag-aaya pa yan na sabay kaming mag-aral para sa exam sa chem16 (sabularse). isang beses lang nangyari yun at hindi na naulit dahil bumabagal ang phasing kong mag-aral pag kasama sya. nagtatanong lang ng kung anu anung walang katuturan.
  • iyon pa, naranasan ko na ring maglakad mula physci hanggang olivares dahil sa kanya. talagang pinagmumumura ko sya.. past 8am pa lang nun, naghahanap na sya agad ng mabibilhan ng fhm magazine at talagang kelangan e kasama ako??!.. grar!

diba??? need i say more????
ang ABNORMAL nya!
bat ba anlakas ng appeal netong mokong na to?
o well, okay... other people might find it cute...
bawat sulok na lang ata ng pinupuntahan namen e may nagkakacrush sa kanya.
ewankuba... haaays...
minsan nakakakasalubong na lang ako ng babaeng masama ang tingin saken dahil sa kanya.
dagdag pa tong ibang dormates namen
mga rummate nya at mga ka-wing ko sa new dorm.
inaasar kameng labtim
labtim... labtim... loveteam!!!!
keber na nga lang..

yung mga magulang ko nga rin e nakikisawsaw din e..
"pogi" pa ang tawag sa kanya.
nagkakilala sila nung galing kami sa pyestahan (kina aba, na nagkacrush din sa kanya)
naalala pa ni nanay nung nakita ako ni bano sa tapat ng oblation ng up manila.
talaga pa daw na hinabol nya ko habang sumisigaw ng "luti" para lang mapansin ko at makausap at pinipilit na magshift sa up manila.

si ron
ayun lalo na si ron na palagay kong may pasimuno ng lahat.
naalala ko pa bago kami umuwi ni bano e sabi nya saken: "ingat kayo..." may ngiting pang-autistic "...ingat kayo sa isa't isa."
ay nako. tas sinasabi din nun saken bawat kilala nilang may crush kay bano, na karibal ko pa nga daw.
e anu bang pake ko dun????

si ned
tas eto pang si ned, anlakilaki ng ngiti sa twing nakikita kaming magkasama.
sabe nya bagay kami kasi yung mata namen chenes chenes, dark kasi ang eyelashes ko tas yung kay bano e kulot yung eyelashes... ewankuba.
ilang ulit pa nyang tinatanong kung hndi daw ba talaga ako na-fall o nagkacrush kay paolo.
e hindi nga talaga.
tsaka nakikita daw nyang ang sweet nga nung abnormal na yun saken. (naalala ko, ang spiky at ang taray taray at ng personalidad ko nun lalo na sa mga lalake)

uo, aaminin ko, may pagka-sweet yun saken at naglalambing minsan pag muka akong nababadtrip sa kanya; at naaappreciate ko naman.
(pambawi yun sa mga kamalasang napupunta saken sa twing kasama ko sya!!!! para na kong pinagsasakluban ng langit at lupa sa piling nya!!!)
hindi naman sya masama saken.. mabaitbait naman kasi... yun nga lang kasi, andamidami nyang kaabnormalan na hindi ko talaga matolerate.
madami din sya saking sinasabing sikreto na hindi nya sinasabi sa iba.
meron daw kasi syang "image" na pinapangalagaan.
baka alam nyang maraming nagkakacrush sa kanya.
  • alam ko pa ngang mahilig sya sa mga babaeng malaki ang boobs e. (sabi nya yun)
  • tas sumali pa daw sya nung high school sa "mr. photogenic" nakanam... BWAHAHAHAHAHAHA!!!!! tawa talaga ako ng tawa dun.. di ko talaga kineri.
  • tas sabi pa nya hndi daw sya magpapakalbo kasi magmumukang etits ang ulo nya dahil malaki daw ang leeg nya.... ahahahaha.... nakakaloka talaga sya. inuuyog-uyog pa nya yung ulo nya at ginagaya ang movements ng vibrator, saka magtitirik sya ng mata... jusko.. nakakarinde... bat ba ko nakakakita ng taong ganun... pagkabait ko e...
  • tas ayun minsan napagkwentuhan namen na parehas na pala nameng napanuod yung scorpio nights... at todo react naman sya sa side details.

haaaaysss....
basta... ilang ulit ko na rin talagang tinatanong sa sarili ko kung bat andaming nagkakacrush sa kanya.... (meron pa ngang bakla e)
wala pa naman akong mahanap na sagot.
sabagay may pagkamalandi din yun e (as in flirt; sabi din ni ned)... pero kahit na kasi e....
yung mga iba kasi, unang tingin pa lang, may tama na agad sa kanya e, kinikilig pa.
ah, ewan!
iniisip ko na lang nuon: "sipain ko pa to e."

____________________________________________
actually... meron din naman akong napaturn off sa kanya nung kinwentuhan ko ng ibang mga kaabnormalan nya... si oliv, sabe nya sya.... wehehehe... yak daw yak.. wushu... ahaha..
kay lee, wa epek, crush nya pa rin e.
si anna, nakaranas yun ng actual experience ng kaabnormalan ni bano kaya wala na din.
wankunasaiba...


=======================================
ay grabe ang haba....
pinaikli ko na nga to e...

Saturday, November 22, 2008

kirot diaries.

naks title pa lang baklang bakla na. ahahaha... nakakainis.
kelan ba yun.. kagabe??? kagabe nga ba?
ay oo tama...
kakainis kasi nanaunuod na naman ako..
empath ata aku e... o baka msyado lang gullible sa acting nung mga artista.
wahahahahaha
ahahahaha...

Wednesday, November 19, 2008

speaking of......

nanunuod kame kanina nina kuya ng wowowee.
ang featured contestants nila kanina e mga batang dancers.
usually, mga batang lalake na may mga back up dancers pang kasama.
tas may isang contestant dun na kakaiba... batang lalake, nakaputi.
unang tingin nagtataka ako kung bat may nakasabit na feather garland sa balikat nya.
tas tinanong sya ni willie kung sinong idol nyang dancer
sagot nya: si luningning, milagring at saicy
BWAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!!!!!
amazing.
nagulat na lang ako nung nagperform sya e pagkataas ng slit ng pants nya.. hahaha...
tas puro kembot at split pa sya.. at kamown.. ang pilantik ng kamay...
grabe ehehehehehe...

naaliw naman kame...

tas etong pinsan kong nakatira samen.... kanina pa nagpapanggap na may suot syang maskara... ayun napunta na yung goma sa buhok nya at mukha syang naka-headband.
ayun, inasar na nilang bading...
palagay ko hindi naman...
ehehe...

ISPIKING OP BAKLA...

at ayon bigla nang napag-usapan yung half-brother namen... yung mas bata saken.
ay grabe...
bakla nga ata yun...
pag tinatanong ng mga tao sa bahay (e.g. tatay, nanay, tito panks, kuya, bespren ni kuya) kung bakla nga sya.. hindi naman sya sumasagot...
naaawa na nga lang ako dun...
nagbakasyon yun samen nung summer (ata)
minsan na nga lang nya makasama o makita si tatay... hinihiritan pa syang
     "bakla ka ba?"
     "bawal bakla dito."
     "bat ka nagpapabango? babae lang ang nagpapabango."
     "bakit ka nagpupulbos sa mukha?! sa katawan lang yan."
hays... and the list goes.....
kawawa nu?
e paborito pa nga nun yung kantang realize ni colbie callait
nahuli ko pa yung sinasabayan yung kanta e, aba!!! biglang napatigil... ehehe... gulat pa.
tas halos lahat pa ng t-shirt nya, pink... na fit..
haaays... kawawa naman sya...
e syempre gustong gusto nya ring makasama si tatay.... tapos.... ganun pa...
e nagkataong galit na galit din si tatay sa mga bakla.
kawawa talaga...

ISPIKING OP TATAY

ayun... kanikanina lang din
tinawagan ako ni tatay from qatar..
ayon... tinanong ang buhay ko... sabe ko mag-aaral muna ako tsaka review para sa board.. ehehe...
ok naman... hindi naman nya akong minamadaling magtrabaho...
tas sabe nya:
     "happy birthday anak."
     "baka malimutan ko bukas e, ngayon na kita babatiin"
     "eka, may boypren ka na ba?"
     "e bakit wala pa? dapat meron na para kung mag-aasawa ka......."
     "o kumusta yung nililigawan mo?"
     "ah. basted ka ba?"
     "o sya magboypren ka na a."
     "basta wag sa tricycle driver a."
     "ok lang sa magfifishball o sa magtataho, wag lang sa tricycle driver a.. HAHA!"
     "o sya basta magboypren ka na.
     "labyu. ingat ka jan"
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu....... sa magulang ko na galing yan a...
jusko... ang depressing... haaaaysss...


oh well.. happy birthday luti...
lumalaki na ang love handles mo... (kasalanan nung katakawan nung nakaraang weekend)
promise.. magsastart na ang work-out mo after ng mens mo...
ehehehe...

Tuesday, November 18, 2008

a glutton weekend

It was an all-nighter. We were at Netnet's house. Thm brought (a sack of) a variety of Oishi snacks, Mabs bought an ice cream (Nestle Heaven Strawberry), Princess treated us with a family-size pizza (Pizza Hut, Meat Lovers) , and I, I cooked a kilo of my oh-so-famous spaghetti (of course with everybody's help).

Well, I just decided that it could be "my" birthday celebration with them since it was not possible to celebrate it on the actual date (Thursday)... and... errr... I think it would be more acceptable to celebrate it in advance than late...

we just eat and eat and eat and eat and eat....... and scream..... then eat again...

haaysss....


oh net, i just read your blog... i hate you... it makes me sad... it's (also) as if we didn't had enough fun.
right.
look. we all miss her so much.
and it's been really different without her.
stop that "what ifs" and "could have beens"
cut that crap. you really think too much
and you make everybody worry again.
Diane is alive in our hearts and in every "fun" we will ever have.
we shouldn't grieve on the memories she left us.
they were all nice.
we should all try to be happy and thankful for that.


######
HAH! i was planning to say something really fun about what happened in the weekend...
but hell, my mood was spoiled.
it made me forget how fun it was.

Friday, October 10, 2008

hindi naman ako mahilig manuod ng soco, bat ganto ang mga panaginip ko?

for two consecutive days, ansasaklap talaga ng mga napapanaginipan ko..
hebi..
ansasaket sa puso.
ang vivid pa nilang lahat.
para talagang totoo

***
kahapon,
nagising ako... parang totoo talaga yung pagkapresent sa panaginip ko..
ayun...
ninakawan daw kame ni kim sa bahay namen sa qc.
kaloka.. ayoko nang idetalye... basta pinapatracking system pa namen sya.
close close friend ko kaya yun.

***
kanina,
dalawa...

***
yung una,
nagising ako sa malakas na ulan,
ambigat na ng pakiramdam ko nun.
merong news na iniinterview ang isang migrant chinese na babae sa isang european country.
namatay kasi yung kuya nya habang nagvivideo sa sarili...
at kuhang kuha sa video kung pano namatay.
pinalabas pa sa tv...
ang background sa video, parang bodega, andaming magugulo at makakalat na bagay.
gumagawa si kuya (malamang intsik din) ng video clip para sa kapatid nya.
nag-eenglish pa nga na barok... sumthing like:
          "hi my little sister. why don't you want to look like your brother?..
          see, im handsome..."

tas sa likod nya may nagbubuhat ng malaking bakal na aparador.
kuhang kuha pa rin na tumama ng malakas yung aparador sa ulo nung kuya....
patay agad...

***
nagising na ko...
malakas nga ang ulan.
masarap matulog..
nakatulog ulit ako...

***
pangalawang panaginip kanina,
sa isang elementary school daw sa tabi ng isang creek.
hindi ko alam kung andun ako..
basta may character akong nakokontrol duon.
batang babae.. co-ed ang school.
umaga nuon,
mejo madilim pa pero may mga sampung bata na ang nasa school grounds.
naglalaro..
may bullies..
3 batang lalake.. pero mas matatanda na dahil ilang beses na ring repeater.
naisipang manapak ng ibang bata...
kahit babae.
ang napuruhan,..
yung isang kaklase nameng lalake na mataba. (cute naman)
nakatanggap sya ng mga tatlong malalakas na sapak galing sa mga bullies.
patay din agad...
nasapak din yung iba samen, kasama na din ata yung character ko dun.
walang makalaban samen.
ang pinakamalaking pinagsisisihan ko dun..
hindi ko naibigkas ng malakas yung "curse" ko para sa kanila.
para mapagbayaran nila ang nagawa nila.
something like:
          "meron akong mensahe para sa inyo,
          kung anu man ang gawin nyo sa kapwa nyo,
          triple ang balik sa inyo...."
hindi ata nila narinig.. kaya hindi tumalab.
nakatakas yung mga bullies nang hindi nareresolbahan yung pagkamatay ng kaklase ko.
dumaan ang ilang taon,
nagsara na rin ang school dahil sa pangyayari
at nababagabag pa rin ako ng konsensya ko.
naiisip ko rin na baka may galit o paninisi saken yung namatay.
naisipan kong dalawin ang school.
mag-isa.
ginawa na syang parking lot at may nakita pa kong pulang kotse na kakalabas lang sa gate.
pumasok ako..
may patakbo-takbong bata na naka-orange.
pagkabilis.
kung saan-saan galing.
ilang taon na ring nagmumulto yung kaklase ko..
pumunta ako sa pinangyarihan ng pagkamatay nya.
huminto sya.
nakangiti syang kinausap ako, habang medyo hinahapo pa sa pagtakbo..
          "hi! kamusta ka na?" sabi nya na may hint na nagagalak sya sa pagbisita ko.
          "eto, ok lang. ikaw?" sabe ko.
          "eto......... goodluck sa buhay mo!" at lalong lumaki ang kanyang ngiti para sakin.
          "... sayo din..."  at dali-dali akong lumabas ng school dahil natatakot na ko at mali ang banat ko..... wala na nga pala syang buhay.
at least... kahit hindi ako nag-sorry... alam kong hindi galit saken yung classmate kong namatay..
sapat na sigurong closure yun para sa panaginip ko..

***
ayun..
bakit po...???
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa....
ayoko na ulit nung ganun...
parang lagi akong pagod paggising ko e..
kahapon. robbery. tas kanina murder naman..
haaays...
hindi to ang first time na nakapanaginip ako ng pinapatay..
tas puro strangers pa yung characters.
wala pa kong nakikitang ganung tao sa buhay ko...
hays..
dati nga, pinupugot pa yung ulo ng napapanaginipan ko...
ang kaibahan lang ngayon..... may kwento... buo ang kwento...
mahaba, nakakapagod at masakit sa puso.....


oooooooooohhh...................................




i hate it....
bat ba ganto ang mga nasa subconscious ko...
hindi naman ako mahilig manuod ng s.o.c.o.