for two consecutive days, ansasaklap talaga ng mga napapanaginipan ko..
hebi..
ansasaket sa puso.
ang vivid pa nilang lahat.
para talagang totoo
***
kahapon,
nagising ako... parang totoo talaga yung pagkapresent sa panaginip ko..
ayun...
ninakawan daw kame ni kim sa bahay namen sa qc.
kaloka.. ayoko nang idetalye... basta pinapatracking system pa namen sya.
close close friend ko kaya yun.
***
kanina,
dalawa...
***
yung una,
nagising ako sa malakas na ulan,
ambigat na ng pakiramdam ko nun.
merong news na iniinterview ang isang migrant chinese na babae sa isang european country.
namatay kasi yung kuya nya habang nagvivideo sa sarili...
at kuhang kuha sa video kung pano namatay.
pinalabas pa sa tv...
ang background sa video, parang bodega, andaming magugulo at makakalat na bagay.
gumagawa si kuya (malamang intsik din) ng video clip para sa kapatid nya.
nag-eenglish pa nga na barok... sumthing like:
"hi my little sister. why don't you want to look like your brother?..
see, im handsome..."
tas sa likod nya may nagbubuhat ng malaking bakal na aparador.
kuhang kuha pa rin na tumama ng malakas yung aparador sa ulo nung kuya....
patay agad...
***
nagising na ko...
malakas nga ang ulan.
masarap matulog..
nakatulog ulit ako...
***
pangalawang panaginip kanina,
sa isang elementary school daw sa tabi ng isang creek.
hindi ko alam kung andun ako..
basta may character akong nakokontrol duon.
batang babae.. co-ed ang school.
umaga nuon,
mejo madilim pa pero may mga sampung bata na ang nasa school grounds.
naglalaro..
may bullies..
3 batang lalake.. pero mas matatanda na dahil ilang beses na ring repeater.
naisipang manapak ng ibang bata...
kahit babae.
ang napuruhan,..
yung isang kaklase nameng lalake na mataba. (cute naman)
nakatanggap sya ng mga tatlong malalakas na sapak galing sa mga bullies.
patay din agad...
nasapak din yung iba samen, kasama na din ata yung character ko dun.
walang makalaban samen.
ang pinakamalaking pinagsisisihan ko dun..
hindi ko naibigkas ng malakas yung "curse" ko para sa kanila.
para mapagbayaran nila ang nagawa nila.
something like:
"meron akong mensahe para sa inyo,
kung anu man ang gawin nyo sa kapwa nyo,
triple ang balik sa inyo...."
hindi ata nila narinig.. kaya hindi tumalab.
nakatakas yung mga bullies nang hindi nareresolbahan yung pagkamatay ng kaklase ko.
dumaan ang ilang taon,
nagsara na rin ang school dahil sa pangyayari
at nababagabag pa rin ako ng konsensya ko.
naiisip ko rin na baka may galit o paninisi saken yung namatay.
naisipan kong dalawin ang school.
mag-isa.
ginawa na syang parking lot at may nakita pa kong pulang kotse na kakalabas lang sa gate.
pumasok ako..
may patakbo-takbong bata na naka-orange.
pagkabilis.
kung saan-saan galing.
ilang taon na ring nagmumulto yung kaklase ko..
pumunta ako sa pinangyarihan ng pagkamatay nya.
huminto sya.
nakangiti syang kinausap ako, habang medyo hinahapo pa sa pagtakbo..
"hi! kamusta ka na?" sabi nya na may hint na nagagalak sya sa pagbisita ko.
"eto, ok lang. ikaw?" sabe ko.
"eto......... goodluck sa buhay mo!" at lalong lumaki ang kanyang ngiti para sakin.
"... sayo din..." at dali-dali akong lumabas ng school dahil natatakot na ko at mali ang banat ko..... wala na nga pala syang buhay.
at least... kahit hindi ako nag-sorry... alam kong hindi galit saken yung classmate kong namatay..
sapat na sigurong closure yun para sa panaginip ko..
***
ayun..
bakit po...???
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa....
ayoko na ulit nung ganun...
parang lagi akong pagod paggising ko e..
kahapon. robbery. tas kanina murder naman..
haaays...
hindi to ang first time na nakapanaginip ako ng pinapatay..
tas puro strangers pa yung characters.
wala pa kong nakikitang ganung tao sa buhay ko...
hays..
dati nga, pinupugot pa yung ulo ng napapanaginipan ko...
ang kaibahan lang ngayon..... may kwento... buo ang kwento...
mahaba, nakakapagod at masakit sa puso.....
oooooooooohhh...................................
i hate it....
bat ba ganto ang mga nasa subconscious ko...
hindi naman ako mahilig manuod ng s.o.c.o.