Monday, July 6, 2009

#1 Crush

I would die for you
I would die for you
I've been dying just to feel you by my side
To know that you're mine

I will cry for you
I will cry for you
I will wash away your pain with all my tears
And drown your fear

I will pray for you
I will pray for you
I will sell my soul for something pure and true
Someone like you

See your face every place that I walk in
Hear your voice every time I am talking
You will believe in me
And I will never be ignored

I will burn for you
Feel pain for you
I will twist the knife and bleed my aching heart
And tear it apart

I will lie for you
Beg and steal for you
I will crawl on hands and knees until you see
You're just like me

Violate all The love that I'm missing
Throw away all the pain that I'm living
You will believe in me
And I can never be ignored

I would die for you
I would kill for you
I will steal for you
I'd do time for you
I would wait for you
I'd make room for you
I'd sail ships for you
To be close to you
To be a part of you
'Cause I believe in you
I believe in you
I would die for you.



--#1 Crush, Garbage
ang nostalgic nung song.. ehehe.. 90s
naghahanap ako ng Androgyny kasi lss ko e.. then i came across to this one.. ehehe...



Friday, May 15, 2009

baliw.

"kay tagaaaaaaaaaal na para bang ako'y nababaliw......" ayun nga.. hindi ako nakatulog ng maayos bago sumugod sa Morayta... at naalala ko ang kantang yan na narinig ko kinaumagahan... nababaliw na ko kakaantay dapuan ng antok..

ang aga ko rin kasing nagising nung araw bago nun.. e natulog ako ulit... ng sobra.. mga 4 hours din yun... leche.. nagising ako nga 1pm na...

kaya eto ang sinapit ko nung gabi...
3am.. sigurado ako gising pa ko....
4am.. baka dun na ko nakatulog ng tuluyan..
5am.. tumalon ang puso ko nang mabagsakan ako ng taong galing sa taas ng double deck..

hebi... nagising ako at sobrang nerbyos ko..
as in... sobra talaga... makakadagdag pa dito e malamang yung stage ng tulog kong yun e wala pa sa REM stage... nalaglag kasi si Ate Juliet dahil hindi pa sya masyadong nakakarecover sa tulog nya..
sa awa naman ni Lord e nakatulog din ako agad kahit kumakawala ang puso ko sa hawla nito..

mga 7:30 ata nung nagising ako...
ayun magkikita kami ni Gela sa McDo dun sa Morayta.
bumale ako.. hindi kaya ng katawan ko dahil medyo ninenerbyos pa rin ako galing sa tulog ko at nanginginig pa ang mga laman ko..
nag 9:30 ang kitaan namen..

dapat daw may kwelyo ang picture sa pagpapa-id kaya sinuot ko ang poloshirt kong pink na may green na stripes na maliliit...
tapos sa pambaba e itim na fit na pantalon at rubbershoes na grey.
sabi ni Nanay,
"Tumaba ka. Lumaki ang pwet mo...."
"Ows talaga? Di naman siguro..."
parang ang unfair naman.
bat pwet at tyan lang ang lumalaki saken... samantalang walang lamang taba ang dibdib ko..
pero ok an rin siguro yun para magkasya na ulit ung mga pantalon ko..

nagpahatid kami nina Nanay at Tatay kay Kuya papuntang PHILCOA
at bumaba kami dun para magkanya-kanya.
pupunta kasi sila ng dentista.
umakyat ako ng overpass nang nakapayong at hindi ko mapigilang lumingonlingon at mamangha sa mga nakadisplay na paninda ng mga vendor.
wala lang..

bumaba ako sa overpass... as usual, anaknamputa! ambaho talaga dun!
pamatay.. parang isandaang litro ng natuyong laway at tamod ng basura.
maarte ako pero buhay pa naman ako..
kahit hindi ko naabutan ang naunang
aircon na bus na dumaan.
sayang..
tas puro ordinary na ang dumaan.
ayoko dun.
ang init.. tas nakakahilo dahil takaw-pasahero ang mga yun.
hinto-andar-hinto-andar......potah. hindi na ko ulit magkakamali.
enako.. baka gabihin pa ang byahe ko.
may naghihintay pa naman saken, baka malagasan pa ng buhok yun.

sa wakas, nakasakay na rin ako sa isang "aircon na bus"
standing sana ako pero salamat sa kalbong may balbas na nagpaupo saken
pero...
puta.
oven naman
"Kuya umaandar pa ba ang aircon nyo??",
sa loob-loob ko lang.
laking pasasalamat ko lang talaga at nagdala ako ng pamaypay..
andar, andar, andar.... Quezon Ave.

andar pa ng konti at pababa na ang babae na nasa sulok ng 3-seater na inuupuan namen.
ako ang nasa isle.
nakauniform sya, papasok siguro sya sa trabaho.
haba ng buhok nya...
inayos nya ng konti at nasampal ako ng buhok nya.
swak... mabigat... at mamasamasa pa.
buti ok-ok lang dahil bagong goli si Ate at mabango pa.
nakita ng dalawang nasa likuran namen, isang ale at isang mama...
nagkatinginan kami at nagtawanan.
hindi man lang naramdaman ni Ate ang kanyang nagawa pero pinapatawad ko na sya.

Sto. Domingo.. maraming nagsign-of-the-cross..

Welcome Rotonda....
..........at EspaƱa na...

nakikita ko na yung mga billboards ni Congresswoman Trisha Bonoan-David
nakakaaliw naman, erver since
ang ganda nya at nagpaganda talaga sya sa pic...
nagpamakeover pa to at studio...
kahit naka hardcap sya..
may ibang effect ang make up nya...
ganun ata talaga pag pulitiko.. lalo pa at babae..
gaya ni Jamby Madrigal..
anlaki ng ginanda at ibinata o pagkaphotoshop nya sa mga poster nya dati nung kumakandidato pa sya.
ibang iba pala sa TV.
mukha na syang matanda nun....

abah.. may sumakay pang pulis sa bus.
nakatayo sya sa may harap at nakikipagkwentuhan at tawanan sa driver at sa kundoktor.
"May pulis, may pulis sa ilalim ng tulay....",
hindi talaga mapigilang kantahin ng utak kong makulit pag walang tulog...
hindi ko ring mapigilang titigan ang baril nya sa tagiliran.

Morayta na... at nilagpas pa kame ng driver dun sa overpass...
nadaanan ko din yung pulis...
kebs.
malayu-layo pa ang nilakad ko papuntang McDo.
may nadaanan pa kong parlor na may mga bading na malalaki ang katawan na nagtatawanan.
marami daw ang holdaper dito......
pumasok kaya muna ako ng parlor at para magtext kay Gela?


.............


............

French Open 2009

Start:     May 24, '09 5:00p
End:     Jun 7, '09
Location:     Balls
hay fafa rafa... ♥_♥

panahon na naman na makakalimutan ko ang lahat ng lalake sa mundo.. ahaha...

UFC 98 - Evans Vs. Machida

Start:     May 24, '09 10:00a
Location:     Balls
wala lang.. baka malimutan ko.. pinakaaabangan namen ni kuya...
palagay ko si machida.. .

record ni evans 18-0-1
machida 14-0

kahit mas maraming panalo si evans, at isang draw...
pareho naman silang wala pang talo...
a basta kay machida ako kasi kaliwete sya.

Tuesday, April 21, 2009

i'm accepting your condolences....

it's been long and rough... and i know, i have to end it right now...
this is what i've been waiting for anyway...
thanks a lot for keeping up with me and my troubled sanity for that... argh.. hahahaha... that guy!

hahahaha!!!

oo, makakamove-on ako...
i promise...

hahahaha!!!!


Thursday, April 16, 2009

si joan.....: "tara, hanap tayo ng kalbo."

ewan ko sa kanya pero ako, ayoko sa kalbo..
kaming dalawa lang ata ang nagkakaintindihan sa paghahanap ng kalbo..
at pag nababanggit namen yun sa harap ng ibang tao, hindi sila makarelate... kung nagtatanong naman sila, panigurado, nakakalimutan din o hindi gaano naiintindihan.
kaya ngayon... ang entry na ito ay tungkol sa "alamat ng paghahanap ng kalbo"

masaya kami. madalas naman kaming maglakadlakad habang seryosong kumakanta ng mga kanta gaya ng "halik ni hudas" ng wolfgang, "giniyang" ng razorback, at iba pang novelty songs...

gabi na nun.. dun pa kami sa unang apartment na tinirhan namin (read: sophomore pa lang kami nun). napagpasyahan namin ni joan na maglakad-lakad para maaliw sa kabagutan.. e gabi na nga nun... wala pang katao-tao at madilim pa ang mga pasilyo at iba pang pasikot-sikot sa umali subd.

tanong: anu nga bang madalas mangyari sa mga babaeng naglalakad sa madidilim at walang katao-tao na daanan?

sagot:      ----------------------------------->          narerape.


so ayun... naisip din naman namen na baka marape kami... at nasabing.....

              "sana wag kalbo"


ehehehehehe...

kamtutinkopit.... pag ikaw babae.... tas kalbo ang rerape sayo.... SAAN ka hahawak? parang ang hirap diba? malamang oily pa ung ulo nun at madulas... o kung gusto mong maging mas wild e hindi mo sya pwedeng sabunutan...

ayun.. wala lang... ang jahe ng kalbo...

at dun na nabuo at naipanganak ang katagang:

                         "tara, hanap tayo ng kalbo."


...sa tuwing gusto naming magloiter  o  magstroll  sa elbi...



end.






++++++++++++++++++++
at bat ko ginawa ito?

dahil miss na miss ko na si joan..
sya nga lang pala ang nakakasabay kong maligo twing sem-ender...
hindi na rin kami nakakapaghanap ng kalbo....
at hindi na rin kami nakakakanta ng "halik ni hudas"
awww...
at eto pa.. suspended user sya sa friendster sa hindi-malamang kadahilanan...
o well...
hays...






.

Wednesday, March 18, 2009

birthday quiz

naaliw lang ako at gusto kong irecord... Luti took What does your birthday say about you? quiz and the result is 
November
 
Has lots of extraordinary ideas. (yes)
Difficult to fathom. (yes)
Think forward. (uhmm.. what do you mean by that?)
Unique. (yes)
Brilliant. (hihihih...naman!)
Sharp thinking. (yes)
Fine, strong clairvoyance. (how would i know?)
make good doctors. (really???)
Dynamic. (yes)
Secretive. (yes.. very.)
Inquisitive. (kinda)
Know how to dig secrets. (hmmm... kinda)
Always thinking. (YES!)
Less talkative. (ahmm... mostly?)
amiable. (VERY)
Brave. (wehehe.. san?)
generous. (pag marami)
Patient. (yes.)
Stubborn. (yes)
hardhearted. (YES! haha!)
Determined. (san?)
Never quit. (di din.. ehehe..)
Hardly become angry unless provoked. (YES! natumbok mo!)
Love to be alone. (yes!)
Think differently. (yes.)
Sharp-minded. (natanong na ba to?)
Motivate self. (hmm.. di ko pansin.)
Doesn't appreciate praises. (OO!!!! SOBRA! ANG GALING!!!!)
High-spirited. (sometimes)
Well-built, tough. (hmmm.. kinda..)
Deep love, emotions. (ehehe... yeah..)
Romantic. (minsan.. ehehe..)
Uncertain in relationships. (ISA PA TO!!!! OO!!! tignan mo ko ngayon. wala! haha)
Homely. (YES!)
Hardworking. (saan? haha)
High abilities. (ows? but i do have so many little talents.. haha. none of which are profitable.. ehehe..)
Trustworthy. (depende.. pag ayoko sayo hindi din..)
Honest. (yes..)
Keeps secrets. (yes)
Cant control emotions. (uu..)
Unpredictable. (hahaha... amazing)



may reklamo?





.

Wednesday, March 4, 2009

♥ type ko to... ♥ yihi... ♥




hay fafa henry♥, marry me...
sana ako na lang ang mikroponong tinatalsikan ng laway mo... haaayy... ♥_♥


ewan ko ba kung bat nahuhumaling ako sa facial expressions nya pag kumakanta na lalo pag nag-iiba ang tono (sa 1:23)... hihihihihi.... ang kyutkyut... wihihihi... the rest mukha syang beybi (c/o lean din).

hays.. eto ang aabangan ko sa feb fair next year... yihi! ♥♥♥

a day before pisces - faspitch

Tuesday, March 3, 2009

si lean "seksi" tapel...

sa mga hndi nakakaalam kung bakit seksi ang tawag kay lean...tanungin nyo na lang kami ni gela.. wehehehe. nothing special naman the reason... ehehehe.

naalala ko lang ung set-up namin nung linggo sa foodcourt ng sm manila.
tawa talaga ako ng tawa at antindi ng pagkasamid ko.
number 10 at number 25 ang binigay nilang number... bale 35.... 9... at letter i.. ewan kung sino

naalala namin ni gela ang ibang nakaraan...
wahaha..
at naalala nya yung isang crush nya na nakasalubong namin dati na sobra kung makatingin sa kanya..
e malamang... witness ako nung event na yun at ayun nga...
kakaiba makatitig ung kalbo. (uyy... clue)..
e si seksi...
as usual, may sariling mundo... kung san-san nakatingin at hindi masyado nakikinig...
so ayun.. kelangan namen ng "guy's opinion" para sa topic namen kung "bakit ba ganon tumingin ang mga lalake minsan?"

para kay gela, ako ang nagtanong kay seksi
luti: bakit ba ang mga lalake matindi makatitig minsan?
lean: (parang medyo nawala sa pagkatuliro may silent "ha?") sayo?? nakatingin??
luti: oo, ung ganon. (parang ganun na nga. representatib ako ng mga kababaihan. naks)
lean: malabo mata nun!
luti: (mejo iba ang dating saken)..................
lean: malayo ba o malapit? (di ko na pinapansin.... hihirit na ko.....)
luti: .......naman... alam ko namang hindi mo ko trip at hindi kita trip, hindi natin trip ang isa't isa... hindi ka rin naman pogi sa paningin ko e.... (hindi naman masama ang loob ko, pramis. ahaha.)

wahahaha... pagtapos nun tawa na lang kame ng tawa... o ako lang? wahahahaha... nasamid na ko ng bonggang bongga... pero nag explain naman sya...

lean: e di nga.. baka malabo ang mata... kagaya ko, pag di ko namumukhaan si rc............*

*explanation: kaya tumititig ang lalaki sa babae e dahil hindi nya mamukhaan. (read: malabo ang mata ng lalakeng tumititig sa babae)

WAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

ala lang... sabagay.. point of view nya yan e.. e malabo ang view nya.. ehehehe...






=============================
nonetheless... ang samasama talaga ng kapatid ko... sana narealize nyang wala akong kasalanan at hindi gawain ng matinong tao ang ginawa nya....... asa pa ko no...

Wednesday, February 25, 2009

angst.

okay naman.. i just feel.. sorta.. uhm.... ewan. i just love my type of music -- never fails to change my mood... pramis feeling ko bipolar ako.. wehehe... nonetheless, nahihiya pa rin akong pag-usapan ang mga trip ko dahil feeling ko ang weird-weird ko at hindi ko sila madepensahan...

i feel obliged to post something... wala lang.. mild lang naman to.. pero latest craze ko talaga ang faspitch at nuncyspungen... wehehehe... naeenlab ako sa vocal qualities nila.
parang kelan lang, tinanong ako ni leanseksi kung bat hndi ako kumanta (read: magvocals). sabe ko, e hndi naman ako mahilig maggig-gig. tska wala naman akong kilalang bandista.. tska.. hndi propesyonal ang boses ko, dumedepende sa mood ko kung gusto nyang kumanta ng maganda......... tska.. bihira akong makagusto ng boses ng babae sa banda......

ayoko.. delikado pa at baka maging orgasmic pa ang dating (ng boses ko ha).

---------------------------------------------------
sa guitar hero, kumakanta ako ng barracuda.
kim: bagay kang maging dubber...
luti: o talaga?
kim: dubber ng hentai.

leche...

nakanuod ako ng youtube vid nila sa singapore.
shet. naeenlab na ko sa faspitch....


A Day Before Pisces - Faspitch

Friday, February 20, 2009

Does it make u mad when people stare at u?

OO! kasi nakakatakot, kasi nakakapagtaka, tapos napapaisip ka, tapos nakakaasar na, madalas nakakabastos pa, tapos ansarap manampal, o tas minsan di pa nakukuntento, nilalaglag pa ang panty ko. wihihihi....
 
henaku.. infairness nahilig talaga akong magsasagot ng survey...
every once in a while e napapaisip ako tungkol sa sarili ko --> ang paborito kong topic. yey!
ehehehehe.. e malamang... anu naman ang alam ko sa ibang tao?.. ayoko namang maging judgemental... e mas mabuti nang sarili ko na lang ang kutyain ko wala pa kong maaapakan..

pero di nga... mas ok pag walang tumitingin... 

mtg w/ dr. rances

Start:     Mar 3, '09 08:00a
End:     Mar 20, '09
Location:     ermita, manila
baka makalimutan ko e.. ehehehe...

Wednesday, February 18, 2009

boring to.. pramis.. hihihi.. kabaklaan lang..

may naalala lang ako sa HongKong... kakagaling lang namin sa "the Peak" at pababa na kami.. inaantay na lang namin ang mahiwagang train na "the Tram" kung san nagiging 90-degree angle kami sa mga nagtataasang building duon.

madaming tao.. at kami ni ate ang nangunguna sa pila at may masterplan na kami kung san ay didirecho kami sa pag-upo (pagdating ng train).. sa gitna... at mahirap na ang mahuli dahil maraming standing.. nakakahilo yun pag nagkaton.. 180-degree ang pagtayo nuon, napaka-slopey kasi nung bundok na dinadaanan ng train. parang elevator.. yun nga lang... nakahorizontal ang lahat. ang saya ng experience... wehehehe...

ayun nga.... sa pila.. sa HongKong kasi... cantonese ang language.. e anu namang alam namen dun.. as in, lost in translation.. since yung mga kasunod namen sa pila e mga babaeng nagsasalita ng "yamashita, yamashita!" at malamang haponesa sila... wehehe.. ewan ko, basta tawa rin kami ng tawa ni ate sa masterplan namen at sa panghuhula namen na hapon sila.... sa likod nila, may lalakeng nakaitim (at nakaitim na jacket)... ewan ko ba.. guni-guni ko lang ata to... pero dinudungaw nya ko.. pero wala pa rin akong maisip na dahilan kung baket...

inisip ko, baka kasama nya yung mga haponesa kasi magkakatabi sila sa pila. tahimik lang si kuya sa likod nila.. ... ayun.. dumating na nga yung tren.. nagmadali kami ni ateng makaupo sa gitna (sa 3-seater). hindi namen pinili ung  bandang likod (na nauna naming nadaanan). nagulat na lang ako... biglang tumambad sa harap namen si kuyang nakaitim.. nag"last look" pa sya saken nang mejo awkward na katagalan tska sya umupo sa harap namen (hindi pa pinili yung bakante sa tabi ko).

maya-maya, since mag-isa lang sya sa 3-seater, may 3-pc na pamilyang bumbay ang nag-excuse sa kanya. 2 lang ang bakante sa tabi nya... tumayo pa sya para sa sulok maupo yung mag-ama at naiwan yung ina.(wala pa ring gustong tumabi saken, hehehe). nakahanap ng ibang upuan yung ina.. tas sabe namen ni ate "kuya, dito ka na lang para tabi silang tatlo" (since, same place naman ang inuupuan nya sa bakante sa tabi ko e) at asa namang maiintindihan kame nun kung anu man ang lahi nya.. pero papasa syang hapon... o pinoy, pero mas mukha syang disente compared sa usual pinoy e.. ay ewan... nahihiya sya saken.. i can feel it.. ayun.. matabang blonde na babae tuloy ang tumabi saken.. hehehe...

ayun.. paglabas namen sa station... solo flight pala si kuya.. hindi nya ata kasama yung mga haponesa...

baket kaya nya ko tinitignan? palagay ko, wala namang espesyal saken nun.. at talagang dun pa talaga nya piniling umupo sa harap namen. effortless pa nga akong manamit nun dahil hindi ko feel magpicturepicture nung araw na yon.. ehehehe...

pero napaisip din ako nuon...
posible kayang mahanap o makilala ko ang aking pag-ibig sa ibang bansa?
ahihihihihi..... 

hihihihihi...



_____________________
naalala ko din dati..... bagong gising, "rugged mode"
(punit-punit pa ang maong ko) at effortless din ako nung sinabihan akong "maganda" (with matching stunned-effect; 2x) nung crush ko dati sa isang activity namen sa class... ahihihihihi... hihihihihihi... nakakagulat yung ganun... when you least expect it, saka ka naman makakatanggap ng compliments from the least-expected people... eheheheh...

Thursday, February 12, 2009

birthday blues...

i've always had one since i can remember...
and it still pisses me off whenever i remember one of them...
yep, i weep like piss.


..and i really feel guilty whenever i missed greeting even my "most distant," "so-called" friends who refuse to remember mine.....



Tuesday, January 27, 2009

buntis buntis... puro buntis...

jan 24 - naospital si poodle, sabe nya buntis daw sya at walang naniniwala. amoeba naman pala ang anak nya.
.
jan 25 - nanaginip ako ng buntis na lalakeng pusa tas nanganak ng kyut na kyut na kuting...
.
jan 26 - nanaginip akong buntis ako.. di ko alam kung sinong ama. manganganak na ko pero nood pa rin ng tennis habang nagdidilate.
.
jan 27 - napanaginipan (ako) ng pinsan ko na nanganak na ko (5months na) at 3 ang posibleng ama. eyng? panu yun? nakipagORGy ako??? pumunta daw kasi ako sa elbi nung new year tas tatlong lalaki raw ang katabi ko at hndi malaman kung sino sa kanila ang ama... nagvovolunteer na nga daw yung isa... tas pumili na lang daw ako... sabe pa daw ng pinsan ko saken, "bat hindi mo pinili yung gwapo?"
.
kaloka... nubayun...
.
anu kaya bukas...

Island In The Sun - Weezer




i so LOVE the video.. kakaenlab...
eversince...kaKYUUUT!!!