Friday, May 15, 2009

baliw.

"kay tagaaaaaaaaaal na para bang ako'y nababaliw......" ayun nga.. hindi ako nakatulog ng maayos bago sumugod sa Morayta... at naalala ko ang kantang yan na narinig ko kinaumagahan... nababaliw na ko kakaantay dapuan ng antok..

ang aga ko rin kasing nagising nung araw bago nun.. e natulog ako ulit... ng sobra.. mga 4 hours din yun... leche.. nagising ako nga 1pm na...

kaya eto ang sinapit ko nung gabi...
3am.. sigurado ako gising pa ko....
4am.. baka dun na ko nakatulog ng tuluyan..
5am.. tumalon ang puso ko nang mabagsakan ako ng taong galing sa taas ng double deck..

hebi... nagising ako at sobrang nerbyos ko..
as in... sobra talaga... makakadagdag pa dito e malamang yung stage ng tulog kong yun e wala pa sa REM stage... nalaglag kasi si Ate Juliet dahil hindi pa sya masyadong nakakarecover sa tulog nya..
sa awa naman ni Lord e nakatulog din ako agad kahit kumakawala ang puso ko sa hawla nito..

mga 7:30 ata nung nagising ako...
ayun magkikita kami ni Gela sa McDo dun sa Morayta.
bumale ako.. hindi kaya ng katawan ko dahil medyo ninenerbyos pa rin ako galing sa tulog ko at nanginginig pa ang mga laman ko..
nag 9:30 ang kitaan namen..

dapat daw may kwelyo ang picture sa pagpapa-id kaya sinuot ko ang poloshirt kong pink na may green na stripes na maliliit...
tapos sa pambaba e itim na fit na pantalon at rubbershoes na grey.
sabi ni Nanay,
"Tumaba ka. Lumaki ang pwet mo...."
"Ows talaga? Di naman siguro..."
parang ang unfair naman.
bat pwet at tyan lang ang lumalaki saken... samantalang walang lamang taba ang dibdib ko..
pero ok an rin siguro yun para magkasya na ulit ung mga pantalon ko..

nagpahatid kami nina Nanay at Tatay kay Kuya papuntang PHILCOA
at bumaba kami dun para magkanya-kanya.
pupunta kasi sila ng dentista.
umakyat ako ng overpass nang nakapayong at hindi ko mapigilang lumingonlingon at mamangha sa mga nakadisplay na paninda ng mga vendor.
wala lang..

bumaba ako sa overpass... as usual, anaknamputa! ambaho talaga dun!
pamatay.. parang isandaang litro ng natuyong laway at tamod ng basura.
maarte ako pero buhay pa naman ako..
kahit hindi ko naabutan ang naunang
aircon na bus na dumaan.
sayang..
tas puro ordinary na ang dumaan.
ayoko dun.
ang init.. tas nakakahilo dahil takaw-pasahero ang mga yun.
hinto-andar-hinto-andar......potah. hindi na ko ulit magkakamali.
enako.. baka gabihin pa ang byahe ko.
may naghihintay pa naman saken, baka malagasan pa ng buhok yun.

sa wakas, nakasakay na rin ako sa isang "aircon na bus"
standing sana ako pero salamat sa kalbong may balbas na nagpaupo saken
pero...
puta.
oven naman
"Kuya umaandar pa ba ang aircon nyo??",
sa loob-loob ko lang.
laking pasasalamat ko lang talaga at nagdala ako ng pamaypay..
andar, andar, andar.... Quezon Ave.

andar pa ng konti at pababa na ang babae na nasa sulok ng 3-seater na inuupuan namen.
ako ang nasa isle.
nakauniform sya, papasok siguro sya sa trabaho.
haba ng buhok nya...
inayos nya ng konti at nasampal ako ng buhok nya.
swak... mabigat... at mamasamasa pa.
buti ok-ok lang dahil bagong goli si Ate at mabango pa.
nakita ng dalawang nasa likuran namen, isang ale at isang mama...
nagkatinginan kami at nagtawanan.
hindi man lang naramdaman ni Ate ang kanyang nagawa pero pinapatawad ko na sya.

Sto. Domingo.. maraming nagsign-of-the-cross..

Welcome Rotonda....
..........at EspaƱa na...

nakikita ko na yung mga billboards ni Congresswoman Trisha Bonoan-David
nakakaaliw naman, erver since
ang ganda nya at nagpaganda talaga sya sa pic...
nagpamakeover pa to at studio...
kahit naka hardcap sya..
may ibang effect ang make up nya...
ganun ata talaga pag pulitiko.. lalo pa at babae..
gaya ni Jamby Madrigal..
anlaki ng ginanda at ibinata o pagkaphotoshop nya sa mga poster nya dati nung kumakandidato pa sya.
ibang iba pala sa TV.
mukha na syang matanda nun....

abah.. may sumakay pang pulis sa bus.
nakatayo sya sa may harap at nakikipagkwentuhan at tawanan sa driver at sa kundoktor.
"May pulis, may pulis sa ilalim ng tulay....",
hindi talaga mapigilang kantahin ng utak kong makulit pag walang tulog...
hindi ko ring mapigilang titigan ang baril nya sa tagiliran.

Morayta na... at nilagpas pa kame ng driver dun sa overpass...
nadaanan ko din yung pulis...
kebs.
malayu-layo pa ang nilakad ko papuntang McDo.
may nadaanan pa kong parlor na may mga bading na malalaki ang katawan na nagtatawanan.
marami daw ang holdaper dito......
pumasok kaya muna ako ng parlor at para magtext kay Gela?


.............


............

French Open 2009

Start:     May 24, '09 5:00p
End:     Jun 7, '09
Location:     Balls
hay fafa rafa... ♥_♥

panahon na naman na makakalimutan ko ang lahat ng lalake sa mundo.. ahaha...

UFC 98 - Evans Vs. Machida

Start:     May 24, '09 10:00a
Location:     Balls
wala lang.. baka malimutan ko.. pinakaaabangan namen ni kuya...
palagay ko si machida.. .

record ni evans 18-0-1
machida 14-0

kahit mas maraming panalo si evans, at isang draw...
pareho naman silang wala pang talo...
a basta kay machida ako kasi kaliwete sya.