tanong sakin ni oliv pagkabalita ko: "bumabalik na ba ang lahat? hahaha."
lul, nang-asar pa e naging crush nya kaya yun dati... ahahahaha...
ayun nga. nagbalik ang ibang memories sa tulong na rin ng mga binalitaan ko.
ay grabe parang ibang iba na ang itsura nya.
papasa na syang clean cut (compared sa dati), tas may glasses na rin sya, tas may goatee pa..
ang awkward ko na naman kasi parang dun ako tumitingin sa balbas nya.. sana hindi napansin.
henaku. muntik ko pa syang hindi pansinin kasi ibang iba na talaga.
pati aura... nakakaloka..
siguro tumanda rin syang tignan.
infairness, na-touch ako. naaalala pa nya ko.
at nakipagdaldalan pa ng konti kahit may mga iba pa pala syang kasama.
magdedentist nga daw sya at tinanong kung anong trabaho ko.
tinanong ko pa kung kelan sya gagrad sabe nya sa 2011.
sabe ko naman: "may anak na ko nun!"
at sana hindi ako magdilang-anghel nun.
napaka-impulsive din talaga ng mga hirit ko.
henewi, siguro, masasabi ko rin na si bano ang isa sa mga highlights ng freshman days ko sa elbi.
kahet bsbio sya at mst ako,
hindi ko maintindihan kung bat sa dinamidami ba naman ng pwede kong maging dormate ng halos kaparehas ko ng schedule e sya pa ang napili ni Lord.
hindi ko ba malaman kung punung-puno ako ng kamalasan o ano...
lagi na lang misadventures ang nangyayari sa tuwing maglalakbay kame.
- lagi nameng pinagkukwentuhan si jeddah man (at nalaman ko sa kanya na hndi pala naliligo yun madalas kaya bahin ako ng bahin sa twing nasisinghot ko sya sa lab)
- nagbobowling kami minsan sa s.u. tuwing breaks namin (at madalas syang madulas)
- nag-inuman kame one time ng tanghaling tapat at hindi na nakapasok ng hapon.
- madalas kaming magtulakan (ngayon ko lang narealize na para siguro kaming ewan nun pag may ibang nakakakita)
- pumupunta rin pala kami ng irri para kumaen.
- at kung saan-saan pa kami pumupunta. parang hindi pwedeng hindi kami magkasama lagi.
at dapat pa talagang lagi kaming magkasabay umuwi.
at sa mga lakad ko, na sarili ko lang ang plano ko, lagi pa syang sumasama.
sige na lang kahit hayblad na hayblad na ko sa kanya.
ang abnormal kasi nya.
buti kahit papano e natatawa pa ko sa kanya.
marami kasi syang kabobohan:
- sa chem16 lab, may teargas yung isa naming classmate at inispray nya sa mukha nya. kala daw nya lipgloss (nubanamanyun???!!! mean na kung mean basta tawa ako ng tawa nung makita ko sya nito... bwahahahaha. magang-maga yung mukha nya e.)
- sa lab din, nakasinghot sya ng mercury sa nabasag na thermometer (tas nag-inom pa ata sya after kaya nagkatrangkaso sya)
- tas madalas pa syang mukhang tanga
- anlakaslakas pa ng boses nya, parang laging amplified. hindi pa marunong bumulong.
- sa weekend, minsan makikita na lang sya sa lobby na nagpapatugtog ng "the calling" at kumakanta ng malakas. nakakairita.
- minsan, nag-aaya pa yan na sabay kaming mag-aral para sa exam sa chem16 (sabularse). isang beses lang nangyari yun at hindi na naulit dahil bumabagal ang phasing kong mag-aral pag kasama sya. nagtatanong lang ng kung anu anung walang katuturan.
- iyon pa, naranasan ko na ring maglakad mula physci hanggang olivares dahil sa kanya. talagang pinagmumumura ko sya.. past 8am pa lang nun, naghahanap na sya agad ng mabibilhan ng fhm magazine at talagang kelangan e kasama ako??!.. grar!
diba??? need i say more????
ang ABNORMAL nya!
bat ba anlakas ng appeal netong mokong na to?
o well, okay... other people might find it cute...
bawat sulok na lang ata ng pinupuntahan namen e may nagkakacrush sa kanya.
ewankuba... haaays...
minsan nakakakasalubong na lang ako ng babaeng masama ang tingin saken dahil sa kanya.
dagdag pa tong ibang dormates namen
mga rummate nya at mga ka-wing ko sa new dorm.
inaasar kameng labtim
labtim... labtim... loveteam!!!!
keber na nga lang..
yung mga magulang ko nga rin e nakikisawsaw din e..
"pogi" pa ang tawag sa kanya.
nagkakilala sila nung galing kami sa pyestahan (kina aba, na nagkacrush din sa kanya)
naalala pa ni nanay nung nakita ako ni bano sa tapat ng oblation ng up manila.
talaga pa daw na hinabol nya ko habang sumisigaw ng "luti" para lang mapansin ko at makausap at pinipilit na magshift sa up manila.
si ron
ayun lalo na si ron na palagay kong may pasimuno ng lahat.
naalala ko pa bago kami umuwi ni bano e sabi nya saken: "ingat kayo..." may ngiting pang-autistic "...ingat kayo sa isa't isa."
ay nako. tas sinasabi din nun saken bawat kilala nilang may crush kay bano, na karibal ko pa nga daw.
e anu bang pake ko dun????
si ned
tas eto pang si ned, anlakilaki ng ngiti sa twing nakikita kaming magkasama.
sabe nya bagay kami kasi yung mata namen chenes chenes, dark kasi ang eyelashes ko tas yung kay bano e kulot yung eyelashes... ewankuba.
ilang ulit pa nyang tinatanong kung hndi daw ba talaga ako na-fall o nagkacrush kay paolo.
e hindi nga talaga.
tsaka nakikita daw nyang ang sweet nga nung abnormal na yun saken. (naalala ko, ang spiky at ang taray taray at ng personalidad ko nun lalo na sa mga lalake)
uo, aaminin ko, may pagka-sweet yun saken at naglalambing minsan pag muka akong nababadtrip sa kanya; at naaappreciate ko naman.
(pambawi yun sa mga kamalasang napupunta saken sa twing kasama ko sya!!!! para na kong pinagsasakluban ng langit at lupa sa piling nya!!!)
hindi naman sya masama saken.. mabaitbait naman kasi... yun nga lang kasi, andamidami nyang kaabnormalan na hindi ko talaga matolerate.
madami din sya saking sinasabing sikreto na hindi nya sinasabi sa iba.
meron daw kasi syang "image" na pinapangalagaan.
baka alam nyang maraming nagkakacrush sa kanya.
- alam ko pa ngang mahilig sya sa mga babaeng malaki ang boobs e. (sabi nya yun)
- tas sumali pa daw sya nung high school sa "mr. photogenic" nakanam... BWAHAHAHAHAHAHA!!!!! tawa talaga ako ng tawa dun.. di ko talaga kineri.
- tas sabi pa nya hndi daw sya magpapakalbo kasi magmumukang etits ang ulo nya dahil malaki daw ang leeg nya.... ahahahaha.... nakakaloka talaga sya. inuuyog-uyog pa nya yung ulo nya at ginagaya ang movements ng vibrator, saka magtitirik sya ng mata... jusko.. nakakarinde... bat ba ko nakakakita ng taong ganun... pagkabait ko e...
- tas ayun minsan napagkwentuhan namen na parehas na pala nameng napanuod yung scorpio nights... at todo react naman sya sa side details.
haaaaysss....
basta... ilang ulit ko na rin talagang tinatanong sa sarili ko kung bat andaming nagkakacrush sa kanya.... (meron pa ngang bakla e)
wala pa naman akong mahanap na sagot.
sabagay may pagkamalandi din yun e (as in flirt; sabi din ni ned)... pero kahit na kasi e....
yung mga iba kasi, unang tingin pa lang, may tama na agad sa kanya e, kinikilig pa.
ah, ewan!
iniisip ko na lang nuon: "sipain ko pa to e."
____________________________________________
actually... meron din naman akong napaturn off sa kanya nung kinwentuhan ko ng ibang mga kaabnormalan nya... si oliv, sabe nya sya.... wehehehe... yak daw yak.. wushu... ahaha..
kay lee, wa epek, crush nya pa rin e.
si anna, nakaranas yun ng actual experience ng kaabnormalan ni bano kaya wala na din.
wankunasaiba...
=======================================
ay grabe ang haba....
pinaikli ko na nga to e...
hahaha! e crush lng naman. pang physical lng. hehe. bat b?
ReplyDeletewahaha! kasama ako d2. napasama ako dahil ksama mo xa. wahaha! freshman days tlga. nkkatawa pag naalala ko. hahaha
ReplyDelete^oo nga.. hahaha... buti sinama kita e nu... kung 2 lang kaming naligaw nun e jusko... sobrang iritable ku na siguro... ahahaha...
ReplyDeleteMay itsura naman kasi si Bano... Ang natatandaan ko sa kanya, siya yung unang stranger sa dorm na bumati sakin. Istambay kasi yun sa baba nung una. Lahat ata ng dumarating inaabangan. Eh ang taray ko nung freshie tayo. Wala. Kebs. May naalala ko dito eh. Pero pi-pm ko na lang sayo. WAHAHAHA.
ReplyDeleteAt kinikilig ka pa nga nun eh. Haha.
ReplyDeletethat was before! hahaha!
ReplyDeleteyeah true! kaso kaiba lng talaga sya noh?
ReplyDeleteMR. CONGENIALITY! hahaha!
ReplyDeletea basta "itsurang tanga" ang pananaw ko sa kanya. ahahaha...
ReplyDeleteoi, lee a.. wahahahaha!!!!! at talagang nakahanap ka pa ng connections sa kanya sa up manila... ahihihihihihihihi...... nako a.. nako lang.. wahahaha....
ReplyDeleteKaya nga Bano. Wahehe. Natatandaan ko, agaw eksena pa yun dati eh. Orange ata suot niya lahat nung araw na yun. Basta may nagsabi, "Ponkan na ponkan!" na hindi ko naman kilala.
ReplyDeletePero pag steady lang siguro siya, di siya itsurang tanga. Di ba, Lee? Haha.
ReplyDeleteMay connections sila?!?! HAHAHAHAHA.
ReplyDeleteisa lang ang masabi q.............hahahahahahaha...bwahahahahahahaha
ReplyDeleteako kaya nagpangalan sa kanya ng ponkan. hahaha!
ReplyDeletedi naman cla close. ewan... parang nung tinanong ko if kilala nya si bano, yung itsura nya parang disappointed. hahaha! same feelings cguro sau. hahaha!
ReplyDeleteuu, hahaha! mukhang inosenteng ewan! hahaha!
ReplyDeleteoy may sinasabi ka ba??? ha????
ReplyDeleteat anu namang "same feelings" ang tinutukoy mo aber????
ReplyDeletee di yung "asar" feelings! hahaha! yung mukhang bwisit na bwisit tuwing nababanggit yung pangalan nya. hahaha!
ReplyDeleteHaha. Uuuuy si Luti may feelings kay Bano!
ReplyDelete^ay tigilan... oy hndi na ko nagmumura a... potah... tigilan ako...
ReplyDeleteBat may potah? Hahaha..
ReplyDeleteNapanaginipan nga pala kita. May jewa ka daw. Haha. Yihee!
ReplyDelete