Saturday, December 13, 2008

Mga Munting Pangarap ni Luti

dahil wala naman talaga akong pangarap na matinditindi na magkakaroon ng direksyon ang buhay ko... ayon.. atlist merong mabababaw na masosolb na ko. naisipan ko lang gumawa ng listahan...
  1. sumali sa marathon (pramis, naiinggit ako pag meron)
  2. umakyat ng bundok (wag naman sa makiling)
  3. magdonate ng dugo
  4. matutong lumangoy (asah. asar. bwiset talaga.)
  5. makapagsulat ng minimum na 3-5 children's stories (san ka pa, wholesome to)
  6. mang-uto ng bata na ampon lang sya at ako ang tunay na mommy nya
  7. magkaron ng doraemon bed set (yung may kumot na kasing kapal din ng kumot ko ngayon)
  8. magkaroon ng life-size na doraemon stuff toy na nakapikit at nakangiting nakanganga na parang nang-gu-goodmorning sa umaga
  9. magkaroon ng jelly bra na sakto ang fit at hndi panget
  10. makapagpa-full body spa
  11. matutong magbake ng cake and other yummy pastries
  12. matutong magprito ng maayos (yung mejo crunchy pero juicy pa rin)
  13. makagawa ng sariling imbentong putahe na bebenta
  14. makagawa ng iba't ibang variations sa recipe ko ng spaghetti sauce (naks)
  15. alalahanin at mailista ang mga pinakawirdong panaginip ko at ikwento sa iba
  16. ipagpatuloy at tapusin ang mga nasimulan ko nang maiikling kwento/nobeleta (sayang e, sana mahanap ko pa kung saang basura ko sya naitapon)
  17. matutong kumanta na parang rakstar (kahet anong genre, wag lang yung mala-orange and lemons dahil nakikinita ko nang magmumukha akong tanga at hindi bagay saken)
  18. makanuod ng bigating concert ng isang sikat na international band na trip ko
  19. hndi ko alam kung itutuloy ko, pero pinangarap ko ding magpapierce sa left eyebrow ko
  20. manghawak ng balbas ng kaibigan
  21. makahawak ng balbas ng isang stranger
  22. magkaroon ng memorabilia na may DNA ni fafa rafa (kahet yung shorts nya lang! kahit hndi na kasama yung brief! wahaha!)
  23. ok, magkaroon na lang ng picture  sa tabi ni fafa rafa (kung hindi keri, kahit sinong katabi nya na malapit sa aking puso na lang :sana magawa nina ate sa january:)
  24. magka-first kiss (naman. im sooo virgin. hahaha.)
  25. makanakaw ng first kiss (bwahahahaha!)
  26. matupad ang dream date: kakain ng group meal A sa kenny roger's ng kaming dalawa lang.... anromantiiiik!!!!!!! ahihihihi... kakakilig ang kasibaan
  27. makapagsulat ng isang erotic poem pag nagka-asawa na ko (if ever)
  28. matutong magdrayb
  29. makahanap ng taong magmamasahe saken ng hindi ako nakikiliti (potek na kiliti yan. ang hirap ng masyadong sensitib)
  30. mapaabot tong listahan na to hanggang 100

yeahboi...

OIST!!! KUNG SINO MAN ANG MAY MAGANDANG LOOB NA TUMUPAD (O TUTUPAD) NG KAHIT ISA DITO, AYLABYU! AYLABYU! AYLABYU!!! MWAH!!!

13 comments:

  1. dami mong pangarap...

    ako pangarap kong magkaroon ako ng malaking pangarap...

    ReplyDelete
  2. Ate Luti, kim2. Ahehe. Basta, supportahan kita dun sa marathon at erotic poems. :D Yeah! Anyways, God bless talaga at God speed sa NMAT. Aheheh. Sana magkasama kayo ni G. sa UP Manila. :D Anyways, aymishyu. :c Wala na akong mapagkwentuhan ng kajerjeran ko at kaweirduhan sa buhay. Huhuhu. ="c

    ReplyDelete
  3. *kim dinelit ko. wag naman ung ganung reply... friend ko un e..

    ReplyDelete
  4. ^ahahaha... sows! baka hndi na ko magkatrabaho nyan!

    ReplyDelete
  5. wahehehehe ngayon ko lang binasa nyaaa bake tayo ng pastries nyaaa so far brownies at cookies pa lang ang nagagawa ko (at isang flat na banana cake kasi hindi ko nahalo ng mabuti :P)... ngayon naman cupcakes weeee nyam

    ReplyDelete
  6. May kilala ako para as first kiss. Haha.

    Oi. Di ka marunong lumangoy? Apir.

    ReplyDelete
  7. ^oi sinu naman... yan ba ang nanakawan ko?

    @sam: i miss bandito and the guitar hero..

    @kai: sige, gusto ko sumamang mag-bake. ^__^

    ReplyDelete
  8. ^wag na... i-pm mo na lang saken... iwas ako sa eskandalo.. at may wholesome image ako. naks.

    ReplyDelete
  9. Hindi mo rin naman magugustuhan eh. HAHA. Uungkatin ko lang ang mga nakabaon.

    ReplyDelete
  10. ^wag na potek... wahahah... wag nang hukayin ang mga bangkay. hahaha...

    ReplyDelete